Isang lindol na may lakas na 7.6 na megathrust ang nangyari malapit sa isla ng Mindanao. Matindi ang pagyanig, mayroong maliit na tsunami, at maraming napakalakas na aftershocks ang sumunod.
By Ross S. Stein, Ph.D, Temblor, Inc and Shinji Toda, Ph.D., Tohoku University
Citation: Stein, R.S. and Toda, S., 2023, Major earthquake strikes the Philippines, followed by unusually large aftershocks, Temblor, http://doi.org/10.32858/temblor.330
Ang artikulong ito ay makukuha rin sa Ingles.
Noong Disyembre 2, 2023, alas-10:37 ng gabi, lokal na oras, isang mababaw na lindol na may lakas na 7.6 ang nangyari malapit sa Mindanao Island sa Pilipinas, na nagdulot ng isang maliit na tsunami at malakas na pagyanig. Ang pangyayari ay nangyari sa isa sa isla sa Pilipinas na may pinakamataas na potensyal para sa lindol, ayon sa earthquake occurrence model ng Temblor na hinango mula sa GEAR1 (Bird et al., 2015). Sinundan ito ng dalawang aftershocks na may lakas na 6.9 sa mga lugar kung saan ang aming mga kalkulasyon ng stress ay nagpapahiwatig na ang stress ay itinaas pa ng mainshock, at mas maraming malalaking aftershocks ang maaaring sumunod.
Bakit ang Pilipinas ay seismically active?
Ang mga Isla ng Pilipinas ay bahagi ng isang volcanic arc, at bunga ng dalawang magkasalungat na subduction zones — ang Philippine at East Luzon Trenches sa silangan, at ang Manila-Negros-Cotabato Trenches sa kanluran. Sa silangan, ang Philippine Sea oceanic tectonic plate ay bumabaon sa ilalim ng arko. Sa kanluran, iba’t ibang microplates ay nagtatagpo o sumusubduct sa ilalim ng mga isla. Isang karagdagang kumplikasyon ay ang Philippine Fault, isang transform fault na katulad ng San Andreas na nasa pagitan ng mga trenches. Lahat ng tatlong sistema ay may mataas na slip rates.
Bilang resulta, sa kabuuan, ang Pilipinas ay nakakaranas ng hindi kukulangin sa isang lindol na may lakas na 6.8 o mas higit pa bawat taon — parehong rate sa pangunahing isla ng Hapon na Honshu, na sumasakop ng kaparehong lawak. Ito ay isa sa anim na pinakamalakas na lugar sa mundo pagdating sa seismic activity. (Aurelio et al., 2022).
Gaano kadalas natin dapat asahan ang mga ganito kalakas na lindol sa Mindanao?
Ang lindol na may lakas na 7.6 magnitude ay tumama sa bahagi ng Philippine Trench na may record convergence rate na umaabot sa 40 milimetro kada taon (1.6 pulgada kada taon; Holt et al., 2018). Ito ay halos katulad ng bilis ng Cascadia Subduction Zone sa Pacific Northwest malapit sa Washington, Oregon, at British Columbia. Ang prelimenaryong finite fault model ng U.S. Geological Survey (USGS) para sa lindol na may lakas na 7.6 ay nagpapakita na ang peak slip ay mga 1.5 metro (o 1,500 milimetro, o halos 5 talampakan). Sa kabuuan, ang convergence rate at slip rate ay nagpapahiwatig ng mga 40 taong palugit sa pagitan ng mga pangyayaring may katulad na sukat. Ibig sabihin ay kinakailangan ng mga 40 taon ng convergence sa rate na 40 mm/taon upang mag-produce ng 1.5 metro na slip sa fault. Ito ay alinsunod ng huling malaking lindol na tumama sa rehiyon, na nangyari 34 na taon na ang nakalilipas. Ang pangyayaring iyon ay may sukat din na 7.6, at ito ay nag-rupture sa bahagi ng fault na 30 kilometro (mga 19 milya) sa timog-silangan ng kamakailang sequence. Ang earthquake occurrence model ng Temblor, na hinango mula sa GEAR1 (Bird et al., 2015), ay nagbibigay ng taunang kahulugan ng lahat ng lindol sa buong mundo. Ang modelo ay isang kombinasyon ng strain rate na sinusukat ng mga instrumento ng GPS at mga nangyaring lindol sa nakaraan. Ang mga bahaging ito ay nagsasaad ng patuloy na pagbigay ng stress sa fault system, at ang biglaang release ng stress sa pamamagitan ng lindol.
Ang GEAR1, tulad ng ipinapakita sa Temblor app, ay nagbibigay ng lakas ng isang lindol na may 1% na tsansa bawat taon na mangyari sa loob ng 100 kilometro (mga 60 milya) mula sa anumang lokasyon. Kung gayon, kung ang isang residente sa nasabing lokasyon (tulad ng nakasaad sa Figure 1) ay mabubuhay ng 85 taon, mas mataas kaysa sa 50% ang tsansang maranasan ang isang lindol na may nakalistang lakas, sa kasong ito’y magnitude 7.4. Sa modelo, isa sa dalawang lugar sa buong Pilipinas na may pinakamataas na potensyal para sa malalaking lindol ay matatagpuan sa epicenter ng 2023. Ang isa pang lugar ay nasa 400 kilometro (mga 250 milya) sa hilaga, sa eastern Samar Island, kung saan tatlong lindol na may lakas na higit sa 7.0 ang tumama noong 1995-1996.
Dapat ba nating asahan ang mas maraming malalaking aftershocks, at kung gayon, saan ito posibleng mangyari?
Lahat ng mababaw na lindol ay nagdudulot ng maraming aftershocks, ngunit ang lindol na ito ay lumikha ng karaniwang rami ng lindol sa kasalukuyan. Kung ito ay magpapatuloy ay mahirap tukuyin. Higit sa lahat, ang aftershocks ay nagiging mas bihirang mangyari sa paglipas ng panahon, ngunit hindi kailanman humihina ang lakas sa paglipas ng panahon. Kaya, ang bilang ng aftershocks na mangyayari sa unang 10 araw ay halos pareho sa bilang ng aftershocks na mangyayari sa susunod na 100 araw, ngunit ang pinakamalaking lindol sa unang 10 araw ay halos pareho sa pinakamalaki sa susunod na 100 araw. Kaya’t ang pagiging maingat at pag-iingat ay mahalaga.
Maihahambing natin ang aftershock rate at ang time decay ng aftershock sa unang tatlong araw ng 2023 sequence sa dalawa pang magnitude 7.6 na lindol sa Pilipinas, na nangyari noong 1989 at 2012. Ang rate ng aftershock ng 2023 ay dalawa hanggang tatlong beses na mas mataas kaysa sa mga naunang naganap, at hanggang ngayon, mas mabagal ang pagbaba ng rate ng aftershock kumpara sa mga aftershock noong 1989 at 2012. Ito ay nagmumungkahe na may mas mataas na tsansang mangyari ang malalaki at mapaminsalang aftershocks sa susunod na lindol kaysa sa karaniwang lindol na ganito kalaki sa naturang lugar.
Maari rin nating subukang tantiyahin kung saan mas mataas ang tsansa ng pag-occur ng aftershocks.
Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng Coulomb stress change, na hinango mula sa hypothesis na ang mga fault na hindi nakasalansan at sheared ay mas mataas ang tsansa na mag-fail — mas mataas ang tsansa na magka-rupture. Ang mga stressed na tinutok sa ibang direksyon ay maaaring pigilan o hadlangan mula sa pagkakaroon ng failure, ibig sabihin, mas mababa ang tsansa na masira o magkaruon ng sira.
Sa mga kalkulasyon na ito (Figure 2), ang pinakamalamang na mga lugar para sa karagdagang aftershocks ay mas malayo sa baybayin (magandang balita), o sa hilaga o timog sa tabi ng baybayin (hindi gaanong magandang balita). Ang tatlong paraan ng pagkalkula ay hindi ganap na nagtutugma, at ito ay nagpapakita lamang ng hindi sapat ang pang-unawa ng mga siyentipiko sa mga kondisyon na sanhi ng mga lindol. Gayunpaman, ang mga kalkulasyong tulad nito ay mas epektibo kaysa sa pag-asa sa pagsasalarawan ng distribusyon ng aftershocks at ang pag-unlad ng mga pangunahing lindol sa maraming sitwasyon, kaya’t naniniwala tayo na may kabatiran ito na makakatulong sa publiko at sa agham (Stein, 1999).
Editor sa Agham: Dr. Alka Tripathy-Lang, Ph.D.
Reviewer: Dr. Wendy Bohon, Ph.D.
Mga sanggunian
Aurelio, M., Catugas, S.D., Ramirez, A.B., Aurelio, S.C. and Lagmay, A.M.F. (2022), Two large quakes hit Abra, Philippines, in three months. What does this mean?, Temblor, http://doi.org/10.32858/temblor.288
Bird, P., D.D. Jackson, Y.Y. Kagan, C. Kreemer, and R.S. Stein (2015), GEAR1: A Global Earthquake Activity Rate Model Constructed from Geodetic Strain Rates and Smoothed Seismicity, Bull. Seismol. Soc. Amer., 105, 2538–2554, doi: 10.1785/0120150058.
Holt, A. F., L. H. Royden, T. W. Becker, C. Faccenna (2018), Slab interactions in 3-D subduction settings: The Philippine Sea Plate region, Earth Planet. Sci. Letts., 489, 72-83, https://doi.org/10.1016/j.epsl.2018.02.024.
Kagan, Y.Y. and D.D. Jackson (2014), Statistical earthquake focal mechanism forecasts, Geophys. J. Int., 197, 620–629, doi: 10.1093/gji/ggu015
Stein, R.S. (1999), The role of stress transfer in earthquake occurrence, Nature 402, 605–609, https://doi.org/10.1038/45144
Copyright
Text © 2023 Temblor. CC BY-NC-ND 4.0
We publish our work — articles and maps made by Temblor — under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International (CC BY-NC-ND 4.0) license.
For more information, please see our Republishing Guidelines or reach out to news@temblor.net with any questions.
- Did the 2024 magnitude 7.0 Cape Mendocino earthquake trigger aftershocks on the San Andreas? - December 11, 2024
- Costa Rica’s digital earthquake catalog quashes a common misconception - November 15, 2024
- Earthquake early warnings can help hospitals — if they’re prepared - October 25, 2024