Magnitude-5.7 na lindol sa Batangas, palaisipan sa mga mananaliksik

Ang pagyanig ng Lunes, ang pangatlong katamtamang lindol sa loob ng siyam na linggo, ay naganap kung saan nabawasan ang stress pagkatapos ng isang malakas na lindol noong Hulyo. Nais malaman ng mga mananaliksik kung bakit.
 

Ni Mario Aurelio, Director of the University of the Philippines National Institute of Geological Sciences, Alfredo Mahar Francisco Lagmay, Executive Director, University of the Philippines Resilience Institute-Nationwide Operational Assessment of Hazards Center (@nababaha), John Agustin Escudero, Structural Geology and Tectonics Laboratory at the University of Philippines National Institute of Geological Sciences, Sandra Donna Catugas, Structural Geology and Tectonics Laboratory at the University of Philippines National Institute of Geological Sciences
 

Isinalin sa Tagalog ni Thea Garcia
 

Pagsipi: Aurelio, M., Lagmay, A.F.M., Escudero, J. A., and Catugas, S.D., 2021, TK, Temblor, http://doi.org/10.32858/temblor.211
 

This article is also available in English.
 

Noong ika 1:12 ng umaga (lokal na oras) ng Lunes, isang lindol na may magnitude na 5.7 ang tumama sa may pampang ng Batangas, Pilipinas. Ang lindol na ito ay sinundan ng isang magnitude-4.5 na aftershock pagkalipas ng 28 minuto

Ang earthquake bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay nagbanggit ng inaasahang pinsala sa imprastraktura. Ang mga residente sa mga lalawigan ng Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, at maging ang kabisera ng Maynila, 50 milya (80 kilometro) ang layo, ay nakaramdam ng pagyanig (intensity III-V sa PHIVOLCS intensity scale). Ang mga istraktura, lalo na ang mga matataas na gusaling tirahan at commercial complexes, ay malaki ang naging pag-ugoy sa Lungsod ng Tagaytay sa lalawigan ng Cavite at sa Metro Manila, na naka-alarma sa mga naninirahan.

Ang pinakahuling payanig sa Batangas noong Lunes ay nangyari siyam na linggo matapos ang isang 6.6 magnitude na lindol sa Batangas noong Hulyo 24, 2021. Makalipas lamang ng 3 linggo ay sinundan ito ng isa pang 5.8 magnitude na lindol sa rehiyon. Ang mga pagyanig na ito ay naiuugnay sa kumplikadong paggalaw ng fault sa kahabaan ng Manila Trench.

Sa huling sampung taon, may average na 2.5 na mga lindol na mas malaki kaysa sa magnitude-5.0 ang nararanasan bawat taon sa loob ng 30 milya (50 kilometro) sa lugar ng lindol na naganap noong Hulyo 24 (Aurelio et al., 2021b). Ang kamakailang serye ng mga lindol ay lumalampas sa katamtamang bilang ng pagyanig sa rehiyon at may mungkahi na tutuloy pa.
 

Pagbabago ng stress pagkatapos ng malalaking lindol

Katulad ng mga lindol noong Hulyo at Agosto, ang lokasyon, focal mechanism at lalim ng pinakahuling seismic event na ito ay kasang-ayon sa paggalaw ng subduction-related fault na malapit sa Manila Trench. Dito, ang plate ng South China Sea ay pumapailalim sa Philippine Mobile Belt, isang zone ng active deformation na tumutukoy sa hangganan sa pagitan ng Philippine Sea Plate at ng Sunda Plate.

Ang magnitude 6.6 na lindol noong Hulyo malamang ay naglipat ng stress sa lugar kung saan ang 5.8-magnitude na lindol ay sunod na magaganap sa Agosto. Kapansin-pansin din na ang kaganapan noong Lunes ay nangyari sa isang lugar na kung saan ipinahiwatig ng Coulomb stress change modelling (Toda et al., 2011) na ang stress ay nabawasan (asul na lugar sa Larawan 1) bilang resulta ng magnitude 6.6 na lindol.

Ang 6.6-magnitude na lindol ay sinundan ng isang 5.8-magnitude na aftershock hindi lalampas sa sampung minuto makalipas. Ang Coulomb stress transfer modeling ay nagpapahiwatig na ang magnitude 5.8 aftershock at ang magnitude 5.8 na lindol noong Agosto 13 ay parehong nasa sa loob ng stress increase lobe ng 6.6-magnitude na lindol (Larawan 1). Iminumungkahi nito na ang dalawang 5.8-magnitude na lindol na ito ay naipromote, o natrigger, ng magnitude-6.6 mainshock. Sa puntong iyon, maaari silang maituring na aftershocks.

Gayunpaman, hindi karaniwan para sa higit sa isang aftershock na maging mas mababa ng isang unit ng magnitude kaysa sa mainshock. Posible rin na ang dalawang 5.8-magnitude na lindol na ito ay walang kinalaman sa isa’t isa at sa magnitude-6.6 na lindol noong Hulyo, at tatama pa rin anuman ang kundisyon ng seismicity sa paligid.
 

Larawan 1. Seismotectonics ng apat na moderate magnitude, thrust-mechanism ng lindol (ipinakita ng mga beachball) na nangyari sa parehong rehiyon sa Batangas, Southern Luzon, Philippines, sa loob ng siyam na linggo. Ang pinakahuling kaganapan ng Setyembre 27, 2021 ay ipinapakita ng pula para sa diin. Resulta ng Coulomb stress change modeling na ipinapakita kasunod ng Hulyo 6.6-magnitude na lindol. Mga Sanggunian: Jarvis et al., 2008 para sa topograpiyang SRTM; Weatherall et al., 2020 para sa bathymetry; Toda et al., 2011 para sa pagmomodelo ng CST; PHIVOLCS para sa data ng lindol. Ginamit ang GMT (Wessel at Smith, 1995) upang makabuo ng mapa. Kredito: Aurelio, Lagmay, Escudero, Catugas.
Larawan 1. Seismotectonics ng apat na moderate magnitude, thrust-mechanism ng lindol (ipinakita ng mga beachball) na nangyari sa parehong rehiyon sa Batangas, Southern Luzon, Philippines, sa loob ng siyam na linggo. Ang pinakahuling kaganapan ng Setyembre 27, 2021 ay ipinapakita ng pula para sa diin. Resulta ng Coulomb stress change modeling na ipinapakita kasunod ng Hulyo 6.6-magnitude na lindol. Mga Sanggunian: Jarvis et al., 2008 para sa topograpiyang SRTM; Weatherall et al., 2020 para sa bathymetry; Toda et al., 2011 para sa pagmomodelo ng CST; PHIVOLCS para sa data ng lindol. Ginamit ang GMT (Wessel at Smith, 1995) upang makabuo ng mapa. Kredito: Aurelio, Lagmay, Escudero, Catugas.

 

Ang magnitude-5.7 na lindol noong Lunes ay nagawa ng pagkasira ng isang bahagi ng subducting slab kung saan hindi inaasahan ang paggalaw, batay sa Coulomb stress change model gamit ang 6.6-magnitude na lindol noong Hulyo 24, 2021 bilang source fault (Aurelio et al., 2021b). Ang main shock ng Setyembre 27 na lindol ay sinundan, makalipas ang 28 minuto, ng sarili nitong aftershock na mas mababa ng isang antas na may magnitude na 4.5, karagdagang nagpapalakas sa argumento na ang lindol na ito ay maaaring nabuo mag-isa at hindi isang aftershock ng mga nakaraang lindol.
 

Seismology sa mababang halaga

Ang pagyanig noong Lunes ay naitala rin ng mga mura ngunit propesyonal na mga Raspberry Shake seismometers na bahagi ng isang network na binubuo ng University of the Philippines-Diliman (UP Diliman) sa Lungsod ng Quezon (Larawan 2). Pinapatakbo ng mga mamamayan ang mga privately-owned sensors sa kanilang sariling mga lupain at binabahagi nila ang data sa mga siyentipiko. Bagaman mayroong iilan lamang na mga seismometers na kasalukuyang nasa network, ang mga parameter ng lindol na kinakalkula mula sa mga unit na ito ay katulad ng natutukoy ng mga itinatag na international seismological observatories (Talahanayan 1).

Ipinapahiwatig ng data na ito na ang mga privately-owned and -maintained low-cost seismometers ay maaaring mag-supplement sa mga network na pagmamay-ari ng estado at makapag-bibigay din ng maaasahang data. Ang nasabing citizen science approach sa pag-aaral ng mga lindol ay nagpapalakas sa pakikipag-ugnayan ng komunidad at binibigyan ng kapangyarihan ang mga pamayanan upang maging matatag.
 

Larawan 2. Ang Citizen science seismograms ng lindol sa Batangas noong ika 27 ng Setyembre 2021 na nilikha ng mga seismometers na bahagi ng UP Diliman network, na nakatalaga sa Quezon City at sa mga probinsiya ng Batangas, Laguna at Cavite sa Timog Luzon. Kredito: Aurelio, Lagmay, Escudero, Catugas.
Larawan 2. Ang Citizen science seismograms ng lindol sa Batangas noong ika 27 ng Setyembre 2021 na nilikha ng mga seismometers na bahagi ng UP Diliman network, na nakatalaga sa Quezon City at sa mga probinsiya ng Batangas, Laguna at Cavite sa Timog Luzon. Kredito: Aurelio, Lagmay, Escudero, Catugas.

 

Talahanayan 1 Ang ilang mga parameter (magnitude at focal depth) ng kaganapan noong Setyembre 27 na kinalkula ng iba't ibang international seismological observatories, kumpara sa UP Diliman na nakabatay sa low-cost seismic
Talahanayan 1 Ang ilang mga parameter (magnitude at focal depth) ng kaganapan noong Setyembre 27 na kinalkula ng iba’t ibang international seismological observatories, kumpara sa UP Diliman na nakabatay sa low-cost seismic

 

Mga Sanggunian

Aurelio, M., Lagmay, M., Escudero, J. A., and Catugas, S. (2021a). Latest Philippine earthquake reveals tectonic complexity, Temblor, doi.org/10.32858/temblor.191

Aurelio, M., Lagmay, M., Escudero, J. A., and Catugas, S. (2021b). Philippine fault jolts Batangas again, with magnitude-5.8 quake, Temblor, doi.org/10.32858/temblor.198

GEOFON German Research Center for Geosciences. Available at: www.geofon.gfz-potsdam.de

Jarvis, A., H.I. Reuter, A. Nelson, E. Guevara (2008). Hole-filled SRTM for the globe Version 4, available from the CGIAR-CSI SRTM 90m Database (http://srtm.csi.cgiar.org).

Observatoire GEOSCOPE. Available at: http://geoscope.ipgp.fr/index.php/en/

Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Available at: www.phivolcs.dost.gov.ph

Toda, Shinji, Stein, R.S., Sevilgen, Volkan, and Lin, J. (2011). Coulomb 3.3 Graphic-rich deformation and stress-change software for earthquake, tectonic, and volcano research and teaching—user guide: U.S. Geological Survey Open-File Report 2011–1060, 63 p., available at https://pubs.usgs.gov/of/2011/1060/

United States Geological Survey – National Earthquake Information Center (USGS-NEIC). Available at: www.earthquake.usgs.gov

Weatherall P., Tozer B., Arndt J.E., Bazhenova E., Bringensparr C., Castro C.F., Dorschel B., Ferrini V., Hehemann L., Jakobsson M., Johnson P., Ketter T., Mackay K., Martin T.V., Mayer L.A., McMichael-Phillips J., Mohammad R., Nitsche F.O., Sandwell D.T., Snaith H., Viquerat S. (2020). The GEBCO_2020 Grid – a continuous terrain model of the global oceans and land. British Oceanographic Data Centre, National Oceanography Centre, NERC, UK. doi:10.5285/a29c5465-b138-234d-e053-6c86abc040b9

Wessel, P. and Smith, W.H.F., (1995). New version of the Generic Mapping Tools released. EOS Trans. Am. Geophys. Union 76, 329.