By Alka Tripathy-Lang, Ph.D. (@DrAlkaTrip)
Ang Taal Volcano, na kilala sa nakamamanghang crater lake, ay biglang sumabog noong Linggo, Enero 12, 2020, napilitang lumikas ang mga kalapit na nayon.
Citation: Alka Tripathy-Lang (2020), Philippine volcano Taal erupts with a fury of earthquakes and ash, Temblor, http://doi.org/10.32858/temblor.066
Hapon ng Linggo, Enero 12, 2020, ang Taal Volcano sa Pilipinas ay sumabog, ang gobyerno ng Pilipinas ay agad naglabas ng alert level of 4 (out of 5), na nagpapahiwatig ng isang mapanganib na pagsabog ay posible sa loob ng ilang oras hanggang isang araw. Ang nasabing kalamidad ay kumalat sa mundo sa pamamagitan ng social media na may mga kamangha-manghang mga imahe ng ilang-kilometrong taas ng mga ulap ng abo na nag-iilaw dulot ng tinatawag na volcanic lightning, at ang lava fountains na binubuga nito ay maihahalintulad na mas mataas pa kaysa sa Empire State Building na makikita sa gabi, at pinakahuli, mga bitak sa lupa ng mga tahanan at kalsada.
Naglabas ang gobyerno ng Pilipinas ng isang mandatory evacuation warning sa mga naninirahan sa loob ng 14-kilometrong radius sa paligid ng Taal; Tantiya ng UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs nasa 450,000 katao ang nakatira sa rehiyon na ito. Sa ngayon, higit sa 53,000 katao ang nananatili sa mga evacuation center, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang lupa ay dumadagundong, kasama ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay patuloy na binabantayan ang mga pagyanig. Mahigit sa 550 na mga lindol na sanhi ng bulkan — 172 dito ay naramdaman ng mga lokal ayon sa PHIVOLCS — ay inalog ang mga lugar sa palibot ng Taal sa simula ng pagsabog ng 1:00 p.m. ng Linggo ng hapon at Huwebes, Enero 16 ng alas 8 ng umaga. Ang susi upang maunawaan kung ano ang nangyayari ay ang timeline ng pagsabog, ang minsan-marahas na kasaysayan ng Taal, at kung paano sinusubaybayan ng PHIVOLCS ang Taal at ang nakapalibot sa rehiyon upang mapanatili ang kaligtasan ng mga tao.
Ang Timeline ng Pagsabog
Mula noong 2016, ang pagtaas ng lupa sa Taal ay bumaba. Gayunpaman, simula noong Enero 2019, napansin ng PHIVOLCS na ang lupa ay nagsimulang tumaas, at mas mataas pa ang sukat noong Marso 2019. Mula noong Pebrero 2019, ang mga paglabas ng gas ay unti-unting tumataas, na nagpapahiwatig na mas maraming volcanic carbon dioxide ang natunaw sa tubig na umiikot sa loob ng hydrothermal system ng bulkan. Noong Marso 28, itinaas ng PHIVOLCS ang antas ng alerto sa Taal hanggang Alert Level 1, na nagsabi na ang Taal seismic network, na sumusubaybay sa rehiyon para sa anumang pahiwatig ng pagyanig sa lupa, ay nagsimulang mag-tala ng maraming seismic activity kaysa sa normal nitong aktibidad, na may paminsan-minsang mga pagyanig na nagiging sanhi ng bahagyang pag-alog, samahan pa ng mahihinang lindol na hindi nararamdaman. Ang pagtaas ng seismicity na ito ay nagpatuloy sa buong 2019, kasama ang pag-uulat ng PHIVOLCS ng kabuuang 4,857 na lindol ng bulkan na naitala sa pagitan ng Marso 28 at Disyembre 1.
Noong Linggo, Enero 12, halos isang taon pagkatapos magsimula ang aktibidad, tumaas ang mga anomalya, kasama ang PHIVOLCS na itinaas ang kanilang antas ng alerto mula 1 hanggang 4 sa loob lang ng ilang oras. 11 a.m. lokal na oras, iniulat ng PHIVOLCS na nagsimula ang isang seismic swarm. 1 p.m., tumaas ang steam activity sa sa loob ng main crater, kasama ang pagsabog ng steam at bato na nakabuo ng isang 100-metro-taas na plume. Alert Level 2, ay ang pagtaas ng kaguluhan o aktibidad, ay idineklara ng 2:30 p.m. Noong 4:00 p.m. naman, idineklara ng PHIVOLCS na Alert Level 3 (magmatic unrest), na nagsasaad na ang eruption plume ay 1 kilometro ang taas. 5:30 p.m., napansin ng PHIVOLCS ang isang “mataas na 10 hanggang 15-kilometro na steam-laden tephra column na may dalang volcanic Lightning na pag-ulan” at noong 7:30 p.m. naman, ipinahayag ang alert level 4. Kinaumagahan ng ika-13 ng Enero, iniulat ang lava fountaining.
Alas 4 ng hapon lokal na oras noong Enero 13, iniulat ng PHIVOLCS ang 2-kilometrong taas “steam-laden plumes,”, na may mga bagong vent na gumagawa ng mas maraming mga bukal ng lava. Noong ika-14 ng Enero, iniulat ng PHIVOLCS na ang mga bukal ng lava at steam-laden plumes ay aktibo pa, ngunit ang mga fissure, o mga bitak sa lupa, ay lumitaw kapwa sa hilaga at timog-silangan ng Lake Taal. Pagsapit ng 8 ng umaga noong Enero 15, inilarawan ng PHIVOLCS ang aktibidad bilang “tuloy-tuloy ngunit sa pangkalahatan ay mas mahina,” na may mga 1-kilometrong taas na mga steam-laden plumes at karagdagang mga fissure. Nabanggit din ng PHIVOLCS na ang maraming mga lindol ng bulkan ang naitala – 466 sa pagitan ng Linggo ng 1 p.m. at Miyerkules ng 8 a.m. “marahil ay nangangahulugang pagpapatuloy ng magmatic intrusion sa ilalim ng Taal edifice, na maaaring humantong sa karagdagang pagsabog na aktibidad.”
5 p.m. noong Miyerkules, iniulat ng PHIVOLCS na ang mga bahagi ng Ilog Pansipit, na nag-uugnay sa Lake Taal sa karagatan, ay natuyo, at ipinahiwatig ng mga imahe sa satellite na ang Main Crater Lake sa Volcano Island “ay pinatuyo at may mga bagong vent craters ang nabuo sa main crater at sa hilagang flank ng bulkan. Huwebes ng umaga bandang 10a.m. ” , ang Alert Level 4 ay may bisa pa rin.
*Pagsapit ng alas 8 ng umaga, Biyernes Enero 17, napansin ng PHIVOLCS na mayroong mga fissure na pinalawak pa ng ilang sentimetro, at “isang steaming fissure na kamakailan ay na-obserbahan sa hilagang dalisdis ng Taal Volcano Island.” Ang pag-urong ng mga baybayin ay naobserbahan sa paligid ng Taal Lake. Ang Taal Volcano Network, na naiiba sa Philippine Seismic Network, ay nakapagtala ng 944 na mga lindol sanhi ng bulkan, kabilang na ang 29 na mga lindol na may mababang frequency. Itinuturing ng PHIVOLCS na ang gayong aktibidad na nagpapahiwatig na ang magma ay nakakaapekto sa ilalim ng edipisyo ng bulkan. 5 p.m. Biyernes ng hapon, patuloy na pinapanatili ng PHIVOLCS ang Alert Level 4.
* Ang timeline ng pagsabog ay na-update Sabado, Enero 18 at 2:30, lokal na oras, upang maipakita ang pinakahuling bulletin ng bulkan na inilabas ng PHIVOLCS.
Bakit mapanganib ang Taal?
Ang Taal ay isa sa mga mapanganib na bulkan sa Pilipinas sapagkat higit sa 450,000 katao ang naninirahan sa loob ng 14-kilometrong radius nito. Ang malala pa nito, ay maaaring magdulot ito ng malubhang kalamidad sa Metropolitan Manila area, na tahanan ng higit sa 12 milyong katao. Na 60 kilometro lamang ang layo, ang Maynila ay natakpan ng mga fragments ng bato at abo noong 1754 na sanhi ng isang malakas na pagsabog.
Gayunpaman, ang Taal ay namamalayan din dahil sa kakayahan nitong makabuo ng napakalakas na na pagsabog [Newhall et al., 2018]. Ang Taal ay may isang nested island structure : Ang isang maliit na isla ng bulkan ay nakaupo sa loob ng Crater Lake, na nakaupo sa Volcano Island, na nakatira sa Lake Taal, sa isla ng Pilipinas ng Luzon. Ang istrukturang iyon – ay binubo ng molten rock sa ilalim ng tubig— “ay nagbibigay ng maraming pagkakataon para sa magma-water interaction, na nangangahulugang mas malakas na pagsabog,” sabi ni Beth Bartel, isang siyentipiko na nagtrabaho sa Taal at ngayon ay nasa UNAVCO sa Colorado.
Ang malakas na pagsabog ay nangangahulugan din sa mga ilan pang panganib, tulad ng mga ballistic projectiles at base surge, ay mas malalang problema pa ang idududlot kaysa sa iba. Sa Taal, sabi ni Bartel, “ang daloy ng lava ay isa lamang sa [mga panganib].” Aniya, “kung hindi, ito ay tungkol sa mga bato at tubig na nag iinteract sa isat-isa upang maging sanhi ng pagsabog at pagsasama-sama upang maglakbay sa buong lawa.”
Ang mga komunidad sa kahabaan ng baybayin ng Lake Taal ay partikular na nasa peligro mula sa mga ballistic projectiles: sentimetro- hanggang sa sukat na metro na mga fragment na ginawa o ini-eject habang sumasabog ang bulkan at umaakyat sa atmospera na parang artilerya shell, ayon kay Taddeucci et al. [2017]. Ang PHIVOLCS ay gumawa ng isang ballestic projectile map, na nagpapakita na ang karamihan sa madaling maapektuhan ay nasa loob ng lawa, kasama ang mga maliliit na bahagi ng pampang sa kanluran. Nangangahulugan ito na ang sinumang tumatakas sa Volcano Island sa pamamagitan ng bangka, kasama pa ng mga nasa baybayin, ay maaaring maharap sa mga panganib na ito.
Ang isa pang peligro para sa mga pamayanan ng baybayin, na naka-mapa din ng PHIVOLCS, ay tinatawag na base surge, kung saan kilala ang Taal, sabi ni Bartel. Kapag ang isang bulkan ay sumabog, sa halip na sumabog paakyat ang mga materyal, minsan ay “lumalabas ito sa lahat ng direksyon, tinatamaan lahat ng nasa daraanan nito.” Kahit na ang Taal ay nasa isang lawa, Babala nya na ang Base Surge “ay maaaring maglakbay sa buong lawa at makaapekto sa mga nakatira sa dalampasigan. “Sinabi ni Bartel na ang Taal” ay ang unang lugar kung saan ang mga [base surges] ay naoobserbahan at nailalarawan.”
Ang volcanic ash ay isang malaking problema para sa mga komunidad na parehong malapit o malayo man sa Taal. “Naaapektuhan nito ang mga tahanan, hayop at kalidad ng hangin, kaya talagang banta ito sa buong rehiyon,” sabi ni Bartel. Ang direksyon ng hangin ay maaaring magbago kung aling mga populasyon ang apektado ng abo. Sa pagsabog na ito, ang umpisa ay humihip ng abo sa hilagang-kanluran patungo sa Maynila, na nagpahinto sa mga flights at isara ang paliparan (muling binuksan ang paliparan). Noong Lunes, binalaan ng PHIVOLCS ang mga komunidad sa timog-kanluran ng Taal na maging alerto sa mga panganib na may kaugnayan sa abo, pagtuunan ng pansin ang mga may problema sa paghinga at pagbagsak ng bubong.
Nababahala rin ang PHIVOLCS tungkol sa potensyal na tsunami sanhi ng bulkan, isang panganib kung saan partikular na binalaan ng PHIVOLCS ang lokal na populasyon noong Linggo. Sa kaso ng Taal, inilalarawan ito ni Bartel bilang “sloshing,” na may malalaking alon “pabalik-balik.” Ipinapahiwatig nito na maaari nitong palalain ang mga pagtatangka upang ilikas ang mga tao sa Volcano Island sa pamamagitan ng bangka, sa kadahilanang ang mga alon na ito sa ay parang nasa isang palanggana na maaaring magpataob sa mga bangka, at karagdagan sa pagkawasak sa mga baybayin. Sa pagsabog ng Taal noong 1965, ang mga lumikas na residente na tumaob ang bangka ay nagkakadagdag ng marami sa 190 na pagkamatay, na may mga alon na umaabot sa 4.7 metro sa taas ng lebel ng lawa, at ang pagbaha ng tubig sa lupain ng hanggang 80 metro [Moore et al., 1966].
Patuloy na Pagbabantay sa Taal
Kinilala ng PHIVOLCS ang bantang panganib na dulot ng Taal, ang pagpili nito bilang isang “Decade Volcano” noong 1996. Ang Decade Volcano ay kinilala ng International Association of Volcanology at Chemistry ng Earth’s Interior (IAVCEI) na may kasaysayan na malaki, at mapaminsalang pagsabog na malapit sa mga lugar na may populasyon.
Ang naka-install na malapit o sa paligid ng Taal ay seismometers, mga istasyon ng GPS, tiltmeter, tidal gauge, at leveling lines, lahat ng mga instrumentong ito, ay sinusubaybayan ng PHIVOLCS. Kinokolekta din nila ang mga sample ng tubig mula sa parehong mga lawa dalawang beses sa isang buwan para sa geochemical analysis, ayon sa World Organization of Volcano Observatories. Ngunit ano ang masasabi sa atin ng mga instrumento na ito?
Sinabi ng seismometers sa mga siyentipiko kung kailan ang lupa ay yumayanig para sa anumang mga kadahilanan, kabilang ang mga tectonic na lindol, pagguho ng lupa, at mga lindol sanhi ng bulkan. Ayon sa U.S Geological Survey (USGS), ang isang maayos na pamamahagi ng volcano seismic network ay maaaring makapagpabilis at matiyak na mahanap kung saan nagmumula volcanic earthquakes, na tumutulong sa mga siyentipiko na “makita” ang isang sanga at puntod ng bulkan kung saan ang tubo ng magma at nakulong na mga likido / gas ay makikita. Kapansin-pansin, na ang mga volcanic earthquakes ay naitala sa loob at sa paligid ng Taal ay lumitaw na nagmumula mula sa Volcano Island, ngunit ngayon ay tila nagkalat, na may isang mataas na konsentrasyon ng mga pagyanig sa kanlurang bahagi ng lawa. Kung saan nagkataong maraming fissures ang nabuksan. Si Ross Stein, isang seismologist at CEO ng Temblor ay nagsabi, “Ang seismicity ng Taal ay kahalintulad ng pulutong o nagkukumpulan, na may sustained magnitude-4 at mas maliit na lindol, sa halip na isang mainshock na sinusundan ng isang decaying rate ng mga aftershocks. Karaniwan ang mga pulutong sa mga volcanic events at kapag may faults creep, “sabi ni Stein, ngunit,” ang Valley Fault Zone ay nag-uugnay sa Taal Volcano sa metro Manila, kaya’t ito ang fault na dapat subaybayan sa anumang creep o lindol. ”
Ang GPS, kaisa ng mga tiltmeter, ay nagsasabi sa mga siyentipiko tungkol sa kung paano ang lupa sa paligid ng mga bulkan ay maaaring mag-umbok, lumubog o pumutok dahil sa magma, gas o likido na gumagalaw. Partikular, sabi ni Bartel, “sinasabi nila sa amin ang tungkol sa pressurization sa bulkan. Ang mga bulkan ay lumolobo at sumisingaw tulad ng isang lobo, kaya naghahanap kami ng mabilis na mga pagbabago, na maaaring magsabi sa PHIVOLCS na may isang bagay ay wala sa karaniwan. Sa pamamagitan ng mga instrumentong ito kung kayat ang PHIVOLCS ay napansin ang maliit na pag-umbok ng lupa noong January 2019, kapag isinama sa karagdang impormasyon mula sa mga seismometer, ay humantong sa paunang Alert Level 1 noong Marso 2019.
Ipinapakita ng video kung paano sinusubaybayan ng mga siyentipiko ang pagpapapangit sa isang bulkan gamit ang GPS. Credit: Incorporated Research Institutions para sa Seismology (IRIS)
Ipinapakita ng video kung paano sinusubaybayan ng mga siyentipiko ang pagpapapangit sa isang bulkan gamit ang isang tiltmeter. Credit: Incorporated Research Institutions para sa Seismology (IRIS)
Ang PHIVOLCS ay nagpapanatili din ng hindi bababa sa isang infrasonic sensor, isang mikropono na sumusukat sa tunog na pinakawalan ng mga pagsabog ng bulkan na masyadong mababa ang frequency para marinig ng tainga ng tao (sa ibaba 20 Hz). Dahil ang infrasound ay hindi naaapektuhan ng pagtakip ng ulap, makakatulong ito sa mga siyentipiko para mapakinggan ang isang bulkan habang sumabog ito.
Ang lahat ng mga tool na ito, kasama ang ilang iba pa ay mayroon ang PHIVOLCS, kasama na ang tool of visual observation, nakatulong sa kanila nang mabilis na masuri ang sitwasyon noong Linggo at itaas ang antas ng alert level nang naaangkop at mabilis.
Hindi magagamit ang PHIVOLCS upang magkomento sa kuwentong ito. Gayunpaman, para sa opisyal at up-to-date na impormasyon sa pagsabog na ito, i-follow ang PHIVOLCS sa twitter (@PHIVOLCS-DOST) o bisitahin ang kanilang website.
References
Moore, J.G., Nakamura, K., and Alcaraz, A., 1966. The 1965 Eruption of Taal Volcano. Science, v. 151, 955-960.
Newhall, C., Self, S., and Robock, A., 2018. Anticipating future Volcanic Explosivity Index (VEI) 7 eruptions and their chilling impacts. Geosphere, v. 14, 572-603. doi.org/10.1130/GES01513.1
Taddeucci, J., Alatorre-Ibargüengoitia, M.A., Cruz-Vázquez, O., Del Bollo, E., Scarlato, P., and Ricci, T., 2017. In-flight dynamics of volcanic ballistic projectiles. Reviews of Geophysics, v. 55, 675-718. doi.org/10.1002/2017RG000564
Torres, R.C., Self, S., and Punongbayan, R.S., 1995. Attention Focusses on Taal: Decade Volcano of the Philippines. Eos, v. 76, 241-248. doi.org/10.1029/95EO00137
- Living through the Loma Prieta earthquake - October 21, 2021
- The Great Quake Debate: an interview with seismologist and author Susan Hough - August 27, 2020
- Salton Sea Swarm quiets down - August 12, 2020