Ang 5.8-magnitude na lindol na naganap sa baybayin ng Batangas sa katimugang Luzon, Pilipinas, tatlong linggo lamang matapos ang isang 6.6 magnitude na lindol ay tumama sa parehong rehiyon, ay isang paalala ng local vulnerability to earthquake hazards.
Isinulat nina Mario Aurelio, Director of the University of the Philippines National Institute of Geological Sciences, Mahar Lagmay, Executive Director, University of the Philippines Resilience Institute-Nationwide Operational Assessment of Hazards Center (@nababaha), John Agustin Escudero, Structural Geology and Tectonics Laboratory at the University of Philippines National Institute of Geological Sciences, and Sandra Catugas, Structural Geology and Tectonics Laboratory at the University of Philippines National Institute of Geological Sciences
Isinalin sa Tagalog ni Thea Garcia
Pagsipi: Aurelio, M., Lagmay, M., Escudero, J. A., and Catugas, S., 2021, Philippines fault jolts Batangas again, with magnitude-5.8 quake, Temblor, http://doi.org/10.32858/temblor.198
This article is also available in English.
Alas onse at 8 minuto ng gabi (lokal na oras) noong Biyernes, ika-13 ng Agosto 2021, isang 5.8-magnitude na lindol ang nilikha ng subduction ng South China Sea Plate sa Manila Trench pailalim ng timog Luzon. Ang lindol na ito ay naganap tatlong linggo lamang matapos ang isang 6.6 magnitude na lindol na galing sa parehong subduction-related fault na yumanig sa Batangas, Luzon noong Hulyo 24, 2021 (Aurelio et al., 2021). Ang pinakahuling lindol na ito ay naramdaman din ng mga residente sa Metropolitan Manila na may 120 kilometro ang layo. Mas naramdaman ito ng mga nakatira sa matataas na gusali sa Manila.
Ang lokasyon, lalim at focal mechanism solution o beachball diagram ng dalawang lindol ay halos magkapareho at malapit sa bawat isa (Larawan 1). Ang kanilang mga magnitude lamang ang naiba, isang order of magnitude lamang na mas mababa: ibig sabihin, ang enerhiya ng lindol noong Agosto 13 ay halos tatlungpung beses na mas mahina kaysa sa lakas ng naunang M6.6 lindol noong Hulyo 24. Ang pagyanig na ito ay maaring isipin na aftershock ng naunang mas malaking lindol.
Ang mainshock noong Hulyo 24 ay gumawa din ng isang 5.8-magnitude na aftershock matapos lamang ng 10 minuto. Ayon sa paunang Coulomb stress transfer modeling ang dalawang 5.8-magnitude na lindol ng Agosto 13 at Hulyo 24 (ang 5.8-magnitude na aftershock) ay nabibilang sa increased stress lobe ng 6.6-magnitude na pagyanig noong Hulyo 24 (Larawan 1). Pinapahiwatig nito na ang dalawang 5.8 magnitude na lindol ay napromote, o na-trigger, ng 6.6-magnitude mainshock. Sa puntong iyon, maaari silang maituring na aftershock. Gayunpaman, hindi pangkaraniwang magkaroon ng dalawang aftershock na mas mababa ng mas maliit ng isang order of magnitude kaysa sa mainshock. Kaya sa halip, ang lindol noong Agosto 13 ay maaaring isipin bilang isang hiwalay o independienting lindol na puwedeng maganap kahit na ang naunang lindol na may lakas na M6.6 ay hindi nangyari.
Kahit ano pa man ang pinagmulan ng mga lindol, ang kanilang pagiging magkalapit, oras ng pangyayari at focal mechanism (beachball) ay nagmumungkahi na ang segment na ito ng Manila Trench ay malamang na makabuo muli ng marami pa na mga lindol. Ipinapakita ng datos na sa loob ng 50-kilometrong radius sa paligid ng sentro ng M6.6 na lindol noong Hulyo 24 ang anim na lindol na may taglay na magnitude 5.0 o mas mataas pa ang naganap sa nakaraang taon. Kabilang sa mga pagyanig na ito ang isang lindol na may lakas na M6.3 noong Araw ng Pasko 2020 (Aurelio, 2021). May karagdagang 25 na lindol pa ang naganap nitong huling dekada. Labing-isa sa bilang na ito ay nangyari sa huling limang taon, katumbas ng average na 2.5 na lindol bawat taon sa huling 10 taon (Talahanayan 1). Pinatutunayan nito ang napakataas na dalas ng mga lindol na may kakayahang magdulot ng pinsala sa rehiyon.
Ang lindol na naganap sa araw na Biyernes ika-trese ng buwan ay muling mahalagang paalala sa mga tao ng mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna at Mindoro sa katimugang Luzon, at kalapit na Metro Manila na kailangan palakasin at pagsikapan ang paghahanda laban sa mga panganib ng mga pagyanig ng lupa dulot ng pagalaw sa bahaging timog ng Manila Trench.
Mga Sanggunian
Aurelio, M.A., (2021). Living with natural hazards. https://newsinfo.inquirer.net/1378709/living-with-natural-hazards
Aurelio, M., Lagmay, M., Escudero, J. A., and Catugas, S. (2021). Latest Philippine earthquake reveals tectonic complexity, Temblor, doi.org/10.32858/temblor.191
Jarvis, A., H.I. Reuter, A. Nelson, E. Guevara (2008). Hole-filled SRTM for the globe Version 4, available from the CGIAR-CSI SRTM 90m Database (http://srtm.csi.cgiar.org).
Toda, Shinji, Stein, R.S., Sevilgen, Volkan, and Lin, J. (2011). Coulomb 3.3 Graphic-rich deformation and stress-change software for earthquake, tectonic, and volcano research and teaching—user guide: U.S. Geological Survey Open-File Report 2011–1060, 63 p., available at https://pubs.usgs.gov/of/2011/1060/
Weatherall P., Tozer B., Arndt J.E., Bazhenova E., Bringensparr C., Castro C.F., Dorschel B., Ferrini V., Hehemann L., Jakobsson M., Johnson P., Ketter T., Mackay K., Martin T.V., Mayer L.A., McMichael-Phillips J., Mohammad R., Nitsche F.O., Sandwell D.T., Snaith H., Viquerat S. (2020). The GEBCO_2020 Grid – a continuous terrain model of the global oceans and land. British Oceanographic Data Centre, National Oceanography Centre, NERC, UK. doi:10.5285/a29c5465-b138-234d-e053-6c86abc040b9
Wessel, P. and Smith, W.H.F., (1995). New version of the Generic Mapping Tools released. EOS Trans. Am. Geophys. Union 76, 329.